FEU magsosolo sa No. 2 sa UAAP football
MANILA, Philippines - Tatargetin ng Far Eastern University na masolo ang No. 2 spot sa pagharap sa De La Salle ngayon sa UAAP Season 79 men's football tournament sa Moro Lorenzo Field.
Isa sa dalawang koponang wala pang nalalasap na kabiguan, asam ng Tamaraws ang kanilang ikaapat na sunod na panalo laban sa Green Archers sa bakbakan nila sa alas-4 ng hapon.
Bitbit ang 9 points sa third place, humahabol ang FEU sa Ateneo (15) at University of the Philippines (10).
Magkatabla naman ang Adamson University at University of Santo Tomas, maglalaban sa alas-2 ng hapon, sa fifth place sa magkatulad nilang 2 points.
Ginulat ng Falcons ang Green Archers, 1-0, nang isalpak ni Ejike Ugwoke ang kanyang goal sa pang-58 minuto.
Muli namang aasa ang Tamaraws kina Rico Andes, Val Jurao at Audie Menzi.
Umiskor ang FEU ng 1-0 panalo kontra sa National University noong Sabado.
- Latest