^

Metro

Marketlife ipatatawag ng konseho

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Marketlife ipatatawag ng konseho

The Maserati Ghibli is powered by a 3.0L twin-turbo petrol V6.

MANILA, Philippines - Ipatatawag ng Committee on Markets sa pangungu-    na ng chairman nito na si  6th Dis­trict Councilor Joel Par ang Marketlife Management and Leasing Corp. upang magbigay linaw sa mataas na singil sa Quinta Market.

Ayon kay Par, sisiyasa­tin nila ang reklamo ng mga stall­holders hinggil sa mataas na singil sa kanilang puwesto bagama’t may kautusan si Manila Mayor Joseph Estrada na wala munang singilan o moratorium sa mga stall holders.

Nabatid na umalma na ang mga stall owners ng Quinta Market sa hanggang 646.67 percent na pagtaas sa singil ng developer ng palengke na Marketlife sa bawat stall.

Ayon kay Arnaldo Chico, chairman ng Quinta Public Market Development Coope­rative, sa revenue code ng Maynila ang P14 hanggang P15 lamang ang singil kada per square meter ng stall

Pero sa rate na ipinalabas ng developer na Marketlife ang kada per square meter ng stall sa vegetable section ay magiging P60 sa dry goods ay P80 sa mga cooked foods ay P90 at sa fish, pork, beef at chicken section ay P100. Hindi pa kasama dito ang 12 % evat na ipapataw samantalang sa revenue code ay wala namang E-vat.

Lumalabas na nasa 380 hanggang 646.67 percent ang itinaas sa singil sa ba­wat square meter ng stall depen-de kung saan section nabibilang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with