^

Pang Movies

Kahit laging magkahawak-kamay Julia at Joshua, mag-bestfriend lang daw

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Full support ang mga tagahanga nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa #BestfriendsForNow goal ng dalawa. Kahit sweet at la­ging magka-holding hands sina Julia at Joshua, ayon sa kanila ay malambing lang talaga sila sa isa’t isa pero best of friends pa lang muna ang kanilang label.

Willing maghintay ang fans kung kailan sila totoong magkakainlaban. Katwiran naman ni Julia, masyado pa raw maaga kung iispin agad ang pagkakaroon nila ng relasyon since ang kani-kanilang career muna ang kanilang prayoridad.

Ayaw ma-sidetrack ng dalawa sa mga magagandang pagkakataon na nangyayari sa kanilang career. Sayang nga naman dahil si Joshua ay napapansin sa mahusay nitong pag-arte na sinasabing susunod sa yapak ni John Lloyd Cruz na kilala sa malalim na pag-atake sa kanyang role na ginagampanan.

Hindi rin nagpapahuli si Julia sa aktingan na umaagaw ng pansin sa pagpapakitang gilas sa teleserye niyang A Love to Last ng Kapamilya Network.

Pang-Best Actress ang acting ni Julia sa moment nito sa ALTL na pati mga televiewer ay nakiiyak din sa mahusay na pag-arte ng young actress.

At least, napatunayan ni Julia na hindi lang siya isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz, kundi may talent din siyang maipagmamalaki na minana niya sa kanyang mommy Marjorie Barretto at sa daddy niyang si Dennis Padilla.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with