^

Police Metro

Holdaper utas sa shootout

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Napatay ang isang holdaper nang makipagbarilan  sa mga pulis matapos holdapin ang isang dalaga kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Kinilala ang napatay na holdaper na si Rolando ­Ibañez, 19, taga Satima, Brgy.  Talon Dos, Las Piñas City.

Batay sa ulat, bago naganap ang engkwentro ng suspek at mga pulis dakong alas-3:20 ng madaling araw sa C5 Road Extension, Westbound, Brgy. San Dionisio ay hinoldap muna nito ang isang Shannel Cruz, 22 ng Singa­long St., San Andres, Maynila habang ito ay naglalakad.

Kinuha ng suspek ang bag ng biktima at kaswal lang na naglakad sa pagtakas.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang mga pulis sa lugar at dito nakapagsumbong ang biktima kaya’t hinabol ang suspect hanggang sa maabutan.

Sa halip na sumuko ay pinaputukan nito ang mga pulis na gumanti ng putok hanggang sa nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta ng agarang kamatayan ng naturang holdaper.

vuukle comment

ROLANDO ­IBAñEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with