^

Police Metro

Housing units sa Rizal, sinugod ng Kadamay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Matapos lusubin ang okupahin ang mga housing units sa lalawigan ng Bulacan ay sinugod naman ng nasa 100 mi­yembro ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at tangkang okupahin ang housing project para sa AFP-PNP personnels sa Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga.

Ayon kay Lt. Xy-zon Meneses, Spokesman ng  2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army  bandang alas – 6:00 ng umaga nang sumugod at magsipag-rally ang Kadamay sa harapan ng AFP-PNP Housing sa Rodriguez, Rizal.

Agad namang nagpadala si Lt. Col. Randolph Cabangbang, Commander ng Army’s 80th Infantry Battalion (IB) ng tropa ng mga sundalo upang tumulong sa puwersa ng pulisya na mapigilan ang mga militanteng Kadamay sa plano ng mga itong illegal na okupahin ang nasabing housing projects.

“So far, no illegal occupation by Kadamay had occurred and the local PNP supported by 80th IB is in control of the situation, pahayag ni Meneses.

 Magugunita na sa Pandi, Bulacan, libong housing units ang illegal na inokupa ng mga miyembro ng Kadamay nitong mga nakalipas na linggo bunsod upang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga lehitimong awardees sa nasabing proyekto.

Tinangka rin ng Kadamay na maokupa ang AFP-PNP Housing projects sa Bocaue, Bulacan.

vuukle comment

KADAMAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with