^

PM Sports

Wall, Harden napiling Players of the Week

Pang-masa
Wall, Harden napiling Players of the Week
John Wall at James Harden

NEW YORK - Hinirang sina Washington Wizards guard John Wall at Houston Rockets superstar James Harden bilang NBA Eastern at Western Conference Players of the Week, ayon sa pagkakasunod.

Inihatid ni Wall ang Wizards sa 3-0 marka na lahat ay kanilang kinuha sa Washington kung saan nanalo sila ng walong sunod.

Nagtala siya ng mga averages na 24.3 points (pang-walo sa East), isang NBA-leading na 13.0 assists, 5.3 rebounds at 2.67 steals (ikalawa sa East) para sa nasabing linggo.

Matapos magtala ng 18 points at season-high na 16 assists sa 107-102 panalo laban sa Milwaukee Bucks noong Dec. 26, kumamada naman si Wall ng 36 points, 11 rebounds at 9 assists sa 111-105 paggiba ng Wizards sa Indiana Pacers noong Dec. 28.

Samantala, binuhat naman ni Harden ang Rockets sa 4-0 baraha sa loob ng isang linggo kung saan na-nguna siya sa NBA sa scoring (37.3 ppg), pumangalawa sa assists (12.5 apg) at pang-walo sa West sa rebounding (9.8 rpg).

Bukod sa kanyang 56.0 percent fieldgoal shooting ay nagposte din si Harden ng, 45.9 percent sa three-point range at 88.9 percent sa free throw line.

Umiskor si Harden ng 30 o higit pang puntos at naglista ng 10 assists sa naturang apat na sunod na panalo ng Houston.

Isinara ng Rockets guard ang linggo sa kanyang back-to-back triple-doubles, kasama ang historic performance sa 129-122 panalo laban sa New York Knicks noong Dec. 31 kung saan nagtala siya ng career-high na 53 points, pinantayan ang career best na 17 assists at Rockets-season-high na  16 rebounds.

Si Harden ang naging unang player sa kasaysayan ng NBA na kumamada ng kabuuang 50 points, 15 assists at 15 rebounds sa isang laro para pantayan si Wilt Chamberlain (1968) sa most points sa triple-double performance.

vuukle comment

WASHINGTON WIZARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with