^

Metro

Kelot nanlaban sa 3 holdaper, kritikal

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pumalag ang 27-anyos na lalaki kaya ito pinagtulungang saksakin ng tatlong holdaper sa Ma­labon City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Reynaldo Casnio, Jr. ng Barangay Dampalit sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando at PO2 Jose Romel Germinal II, naganap ang insidente bandang alauna ng madaling araw sa kahabaan  ng Gov. Pascual Avenue sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na papauwi na ang biktima nang harangin ng isa sa tatlong hindi kilalang lalaki na holdaper.

Gayunman, tinangkang tangayin ang cellphone ng biktima ay sinuntok nito sa mukha ang holdaper saka mabilis na tumakbo upang humingi ng tulong subalit hinabol ito ng dalawang kasama ng holdaper na nagsilbing lookout.

Nang makorner ay inundayan ng saksak ang biktima at tinangay ang cellphone nito at cash na P900.

Mabilis namang isinugod ng mga barangay tanod ang biktima sa Pagamutan Ba­yan ng Malabon bago i­nilipat sa TMC habang inaalam pa ng pulisya kung may CCTV ca­mera sa pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

KELOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with