^

Police Metro

Mga kuta ng Abu Sayyaf binomba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binomba ng tropa ng pamahalaan ang ilang kuta ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa isinagawang air strike at ground attack operations sa lalawigan ng Basilan.

Ito ay  sa gitna na rin ng ulat na pinugutan na ng ulo ng mga bandido ang hostage na Aleman na si Juergen Gustav Kantner dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa sa Sulu matapos na mabigong magbayad ng P­­30-M ransom ang pamil­ya nito na patuloy pa ring kinukumpirma ng AFP ang report.

Sinabi ni Major Richard Enciso, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division, ilang FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force ang nagsagawa ng air strike operations habang nagpa­kawala naman ang ground troops ng Philippine Army ng artillery fires sa direksyon ng pinagkukutaan ng mga kalaban.

Nabatid na bandang alas-2:57 ng madaling araw kahapon nang targetin ng tropang gobyerno ang pinagkukutaan nina Abu Furuji Indama at Nurhassan Jamiri sa kuta ng mga ito sa Brgy. Macalang, Al-Barkha,Basilan.

Pinaniniwalaan namang nalagasan rin ng puwersa ang mga bandido base sa mga patak ng dugo na nakita sa pinagkukutaan ng mga ito.

 Ang airstrikes din ay sa patuloy na search and rescue operations upang mailigtas ang mga nalalabi pang mahigit 20 hostages .

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with