^

Police Metro

Pulis na natakot sa basilan, inutas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang AWOL (absence without official leave) na pulis na dating nakatalaga sa Manila Police District (MPD) na dadalhin sana sa Basilan nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa labas ng kaniyang  bahay katabi ang misis kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si PO1 Joselito Sumacaton, 37, residente ng no. 1804 F. Varona St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-6:10 ng gabi ay nasa labas ng bahay ang biktima katabi ang misis nang sumulpot ang isang motorsiklo na kinalululanan ng mga suspek na nakasuot ng helmet na kung saan ang angkas ay bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima.

Nakita pa ng misis ng biktima na si Rose ang riding in tandem na papatakas sa direksiyon ng Dandan St.

Ang biktima ay dinala sa Mary Johnston Hospital subalit, alas-7:55 ng gabi nang ideklara itong patay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Lumalabas sa imbestigasyon na noong isang taon pa nag-AWOL ang biktima dahil ayaw nitong magtungo sa Basilan.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with