^

PSN Showbiz

Kris sa pagmi-mayor, suntok sa buwan!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman kapani-paniwala na magsi-seek si Mayor Herbert Bautista ng isang lesser position sa susunod na halalan dahil tapos na ang termino niya bilang mayor at si Kris Aquino ang may balak pumalit sa kanya para sa nasabing posisyon.

Nakakatawa ito dahil siguro naman ay may dapat asahang suporta mula sa kanya si VM Joy Belmonte kung sakaling mag-mayor ito at makakalaban ni Kris sa 2019 elections. Suntok sa buwan pa ang mga ito na maagang sinisimulan ng mga gustong masabing may alam sila tungkol sa takbo ng pulitika sa QC.

Rufa Mae nakasuwerte sa forever

Mukha namang natagpuan na ni Rufa Mae Quinto ang kanyang langit sa piling ng asawang si Trevor Magallanes. Kitang-kita at damang-dama ang pagmamahal nito sa kanya at sa isinilang nilang panganay na babae at pinangalanang Alexandria Athena.

Walang hindi na-touch sa ipinost ni Trevor na mensahe sa Instagram sa pag-welcome nito sa anak at sa caption ng larawan ng mag-ina niyang “Love at first sight”.

Daniel at Erich hanggang eroplano lang ok

Pumayag na ang kahihiwalay pa lamang na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na kalimutan pansamantala ang kanilang galit sa isa’t isa para magkasamang tuparin ang isang commitment sa US. Matatandaang bago pa sila umalis ay nakapagpalitan na ang dalawa ng maaanghang na salita na sinusugan pa ng kapatid ni Daniel at ng asawa nito na ang gusto lang naman ay matanggal ang isyu ng pera.

Marami nga ang tumawag kina Daniel at Erich na plastic dahil ni halos ayaw nilang magharap, pero parang walang anuman lamang nang magpa-pictorial sila. Gustong malaman ng lahat ngayon kung hanggang sa eroplano ba ay okay sila o baka naman bumalik sila sa hindi pagpapansinan at pag-aaway nang mawala na sila sa paningin ng lahat. 

Ngayon naman ay pagtatakhan pa ba kung hindi matutuloy ang movie na pagsasamahan nila? Huwag na naman! Tama na ‘yung pagpapaka-plastic na inaakusa sa kanila. Mahahalata na sila kapag pelikula na ang gagawin nila. 

Ricky Davao may maling akala kay Janine

Simula na ngayon ang Legally Blind, ang serye ni Janine Gutierrez para sa GMA. Napakalaking pagtitiwala ang ibinigay ng Kapuso Network sa anak ni Lotlot de Leon na kailangan nitong pantayan ng mahusay na pagganap.

In fairness, agad nagpamalas ng professiona­lism si Janine na ikinalugod ng kanyang mga kasamahang artista lalo na ng direktor ng serye na si direk Ricky Davao. Mahirap ang role ni Janine na isang abogado na nawalan ng paningin na bunga ng pagkaka-rape sa kanya. Namroblema sa kanya si direk Ricky at maging ng gaganap na rapist niya na si Marc Abaya dahil mukhang napaka-fragile ng aktres.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with