^

PSN Showbiz

Direk Carlo mas gusto munang tumira sa Cebu! Alden namimili ng bisita sa ospital!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Single mom actress naloka sa basketbolistang natikman!

PIK: Sa Cebu na muna nanatili si direk Carlo J. Caparas pagkatapos ilibing ng yumao niyang misis na si Donna Villa. Nahihirapan pa rin kasi si direk Carlo na mag-move on at hindi pa raw niya alam kung kailan siya babalik sa trabaho. Kaya probinsya na muna siya maglalagi para medyo mabawasan ang kalungkutang nadarama niya sa biglaang pagpanaw ng kanyang asawa.

Mas gusto na lang muna ni direk Carlo na mapag-isa sa Cebu dahil kahit papaano, parang nararamdaman pa rin niya ang presence ni Tita Donna.

PAK: Nasubukan daw kung gaano kabongga sa kama ang basketball star dahil sa isang aktres na naba­liw dito. Nagkasabay daw minsan sa isang event sa pro­binsya somewhere in the south ang single mom actress at kila­lang basketbolista. Hindi lang sure kung ano’ng eksaktong event iyon pero magkasama raw silang nag-cut ng ribbon. Kinagabihan, nagkayayaan daw lumabas ang grupo para mag-unwind. Pero humiwalay sa grupo ang dalawa dahil mukhang nagkakagustuhan na sila.

Kuwentu-kuwentuhan lang daw muna, hanggang sa nakalimot sa sarili at nagkatikiman na ang dalawa. Sobrang nag-enjoy daw ang aktres, kaya pagbalik ng Maynila, may kakaibang closeness na sila ni baketbolista.

Pagkalipas ng ilang linggo, nag-text ang aktres kay basketbolista kung puwedeng manood ng laban ng team nila. Umoo naman agad ang baketbolista at nagpadala ng tickets. Nagulat na lang ang aktres nang manood ito dahil hindi naman pala laban ng team ng basketbolista ang ibinigay na ticket sa kanya. Ang kiyeme ng basketbolista, nawala sa isip niya. Pero bandang huli, hindi na niya sinasagot ang text at tawag ng aktres. Obvious na umiiwas na ito dahil ayaw pala ng basketbolista na ma-link kahit kanino lalo na’t natsis­mis din siya sa isang mayamang bading. Pero muntik na ngang ma-in love ang aktres.

BOOM: Hindi na pala nakasama sa isang commercial shoot si Alden Richards dahil na-hospitalized na ito. Sa presscon pa lang ng Destined To Be Yours ay halata nang may sakit ang Pambansang Bae, pero sabi nito na kaya pa niya. Pero nang sumunod na araw ay na-confine na ito, at kasama pa sana siya sa shoot ng isang commercial with Sarah Geronimo, pero hindi na
nga kinaya.

Itinuloy pa rin ang shoot na si Sarah lang mag-isa. Nagkakaroon lang ngayon ng tampuhan sa fans na nagkomento sa huling status ni Alden sa kanyang Facebook account. Nakiusap si Alden na sana ay mag-ingat daw sa pagbitaw ng komento ang mga tao lalo na kung hindi alam ang buong istorya. Huwag na raw sanang palakihin pa ang isyu para hindi na lumala ang gulo. “Stop the hate” ang sabi nito.

May PS lang si Alden na lalong ikina-react ng ilang fans. Sabi niya, “Wala pong nakakapasok ng walang consent so kapag nakapasok meron ko pong consent.”

May favoritism kaya sa fans club ng AlDub? Pero ang mahalaga, nagpapagaling na si Alden at nagpapasalamat ito sa mga nagdasal sa agaran niyang paggaling.

vuukle comment

CARLO J. CAPARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with