^

Metro

Naningil ng pautang...... Driver tigok, 2 sugatan sa pamamaril

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hindi inakala ng isang driver­ na ang kanyang pani­­ningil sa isang security guard na may utang sa kanya ang ma­ giging dahilan ng kanyang kamatayan matapos na barilin habang dalawa pa ang nasugatan sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Kinilala ang nasawing bik­tima na si Nestor Dela Rosa, 54, driver, may-asawa ng No. 4494 Bambo St., P. De Leon, Valenzuela City habang ang suspect na kinilalang si Jonas Remedios, security guard at residente sa no. 113-C, Benitez St., Cubao sa lungsod ay nagtamo rin ng tama ng bala sa sikmura matapos namang mabaril ng rumespondeng si JO1 Jerwin Evangelista.

Bukod dito sugatan din ang miron na si Ronald Mangahas, 42 ng No. 96 Palawan St., Bago  Bantay, Quezon City matapos tamaan ng ligaw na bala sa lugar.

Sa ulat ni SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Gen. Roxas St., Brgy. Soccoro sa lungsod ganap na alas-11 ng gabi.

Sinasabing ang nasa­wing si Dela Rosa ay driver ng Nissan Urban (UVU-770) na may biyaheng Rodri­guez-Cubao at nagmamantine ng terminal sa harap ng isang fastfood chain kung saan naman ang suspect nakatalaga subalit naka day-off.

Ayon sa saksing si Richard Bautista, narinig niya sina Dela Rosa at Remedios na nagtatalo hingil sa umano’y utang ng huli sa una na hindi nito nababayaran dahilan para mauwi ito sa suntukan.

Dahil hindi umano kaya ni Remedios sa suntukan si Dela Rosa ay umayaw ito at kinuha ang kanyang ser­vice firearm, saka binalikan ang huli at pinagbabaril sa buong katawan.

Tiyempo namang napa­daan sa lugar si JO1 Evangelista na papasok sana sa kanyang duty sa San Juan Jail at nakita ang pangyayari.

Dahil sa tawag ng tungkulin agad na rumesponde ang opisyal at sinabihan si Remedios na huminto sa pamamaril kay Dela Rosa.  Pero sa halip na sumunod si Remedios ay si JO1 Evangelista pa ang tinangkang barilin nito kung kaya  napilitan na ang huli na paputukan ito sa sikmura.

Matapos ang insidente, ay saka lamang nabatid na maging si Mangahas ay tina­ maan din ng ligaw na bala sa katawan, habang nakais­tambay sa naturang lugar.

Isinugod ni JO1 Evangelista kasama ang ilang istambay sa Quezon City Memorial Medical Center sina Dela Rosa at Remedios pero idineklara ding patay si Dela Rosa, habang si Remedios ay inoobserbahan.

Isinugod naman sa East Avenue Medical Center si Mangahas kung saan ito kasalukuyang naka-confine.

Kusa namang isinuko ni JO1 Evangelista sa awtoridad ang kanyang baril at sarili para sa pagsisiyasat.

vuukle comment

BAMBO ST.

BENITEZ ST.

CUBAO

DAHIL

DELA ROSA

EVANGELISTA

REMEDIOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with