^

Metro

Kuya inutas sa inuman

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nabalewala ang pagiging magkadugo ng magkapatid makaraang saksakin at mapatay ang 34-anyos na lalaki ng kanyang nakababatang utol sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO2 Alvin Quisumbing ang napa­tay na si George Guasch, may-asawa, negos­yante, ng # 8 Hillcrest compound, E. Rodriguez Blvd. sa Barangay Emmaculate Concepcion.

Samantala, nasakote naman ang suspek na si James Guasch, 33, may-asawa, security guard at nakatira rin sa nasabing lugar.

Sinasabing nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang kaibigan nang dumating ang suspek kung saan kinompronta nito ang utol sa pag-inom ng alak sa kanilang lugar.

Humantong sa suntukan ang komprontasyon hanggang sa mapatay sa saksak ang biktima.

Tinangkang tumakas ng suspek subalit nakor­ner naman nina PO2 Jonny Casicas at PO2 Michael Avenis ng Mobile Police Unit.

Nagawa namang maitakbo sa Jose Delgado Hospital ang biktima subalit idineklarang patay na.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

BARANGAY EMMACULATE CONCEPCION

GEORGE GUASCH

JAMES GUASCH

JONNY CASICAS

JOSE DELGADO HOSPITAL

MICHAEL AVENIS

MOBILE POLICE UNIT

QUEZON CITY

RODRIGUEZ BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with