PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 holdaper na gumagamit ng baril-barilan timbog

MANILA, Philippines - Timbog ang dalawang holdaper kung saan ginaga­mit ang baril-barilan sa mga binibiktima sa Caloocan City kahapon. Nakilala ang mga suspek na sina Ryan Diaz, 34, at Jason Coroson, 20.

Sa ulat ng Caloocan City Police, nabatid na dakong alas-11:00 ng umaga nang holdapin ng mga suspek si Marie Labonite habang nakasakay sa pampasaherong jeep sa San Miguel St., ng nabanggit na lungsod.

Makalipas ang kalaha­ting oras ay hinoldap naman ng suspek si Mary Rose Capiral habang nakasakay sa pedicab sa Sabalo St., Caloocan City.

Nakahingi ng tulong si Capiral sa mga barangay tanod na naging dahilan upang madakip ang mga suspek at dalhin sa presinto.

Nakuha kay Diaz ang patalim at replica ng .9mm na gamit sa panghoholdap kung saan nabawi rin ang mga tinangay sa mga biktima.

  • Follow Us: