PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Anak utas, ina sugatan: Pinagbabaril sa loob ng bahay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 24-anyos na binata ha­bang kritikal naman ang kanyang ina makaraang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang sa­larin na pumasok sa kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Naisugod pa sa San Juan De Dios Hospital ngunit nalagutan rin ng hininga dahil sa tama ng bala sa katawan ang biktimang si Bryan Lee Arcena habang patuloy na nasa kritikal na kondisyon ang ina nitong si Derna, 54.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, naganap ang krimen dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang pasukin ng mga hindi nakilalang salarin ang bahay ng mga Arcena sa Sitio Una, Brgy. Fort Bonifacio, ng naturang lungsod.

Blangko naman ang pulisya sa pagka­kakilanlan ng mga sa­larin dahil sa nahihirapan umano sila na makakuha ng saksi sa krimen.  with trainee Jessica Lanuzga

  • Follow Us: