PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

13-anyos nalunod sa ilog

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 13-anyos na high school student matapos itong malunod sa paliligo sa ilog, malapit sa pumping station sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Justine Adriano ng #154 Banahaw Street sa Balut, Tondo, Maynila. Sa ulat ni SPO2 Bernard Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng umaga nang mamataan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nakalutang na katawan ng biktima sa Bukid River malapit sa pumping station. Sa pahayag ng tiyahin na si Lorielyn Dolantes, nagkayayaan ang biktima at ilang kamag-anak na maligo sa nasabing ilog dakong alas-4:30 ng hapon. Sinasabing naitulak ang biktima ng isa sa kamag-anak sa malalim na lugar kaya nalunod ito.

  • Follow Us: