^

Metro

Hijacker na parak, ipinasisibak

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinasisibak sa serbisyo ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pulis na responsable sa paghaydyak sa isang van na naglalaman ng iba’t ibang produkto na nagkakahalaga ng P2.4 milyon matapos na ma­aresto ng mga ta­uhan ng Manila Police District kamakailan sa Sampaloc, Maynila.

Kahapon ay iniharap ni Lim sa mga mamamahayag si PO1 Sherwin Casauran alyas Killua, 33, ng Gero­nimo St., Sampaloc, Maynila at nakatalaga sa RPHAU-NCRPO, Camp Bagong Diwa Taguig City at apat pang ka­sama­han nito na sina Rodrigo Peralta, 34, alyas Butchoy; Nico Manlapaz, 19; Alfredo Dimapilis, 42; at Elias Villamen, 45.

Positibong itinuro ng truck driver ng Real Time Movers na si Federico Soriano at helper na si Gerald Balles­teros sina Casauran at Pe­ralta na humarang sa kanila sa Balintawak EDSA, sa Quezon City noong Enero 28.

Nagsilbi namang katulong nina Casauran at Peralta sina Manlapaz, Dimapilis at Villa­men sa paglilipat ng mga hinaydyak na produkto.

Naniniwala si Lim na may mataas pang kasabwat si Casauran sa kanyang ope­rasyon.

vuukle comment

ALFREDO DIMAPILIS

CAMP BAGONG DIWA TAGUIG CITY

CASAURAN

ELIAS VILLAMEN

FEDERICO SORIANO

GERALD BALLES

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with