PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Empleyado ng DAR dedo sa motorsiklo

MANILA, Philippines - Patay ang isang empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) makaraang magtamo ng pinsala sa ulo at katawan matapos na aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo sa may underpass ng IBP Road at Commonwealth Avenue sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Nick Guiruela, 34 ng Blk 14, Lot 38, Area, Dagat-Dagatan, Malabon City.

Dead on the spot sa lugar si Guiruela bunga ng matinding pagkabagok ng kanyang ulo at katawan. Sa imbestigasyon, sakay ng kanyang MCX Raine motorcycle (TG-3254) ang biktima galing sa Batasan Hills patungong Philcoa nang pagsapit sa nasabing lugar ay bigla na lamang sumadsad ito. Sa pagsemplang ng kanyang motorsiklo ay una ulong bumagsak sa simentadong kalye sanhi para magtamo ito ng matinding injuries at agad na ikamatay nito, ayon pa sa ulat.

  • Follow Us: