PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lalaki pinutulan ng ari ng lover na bading

Tapos ang kaligayahan ng isang 21-anyos na lalaki ma­karaang putulan siya ng ari ng kanyang karelasyon na kap­wa lalaki habang natutulog ito sa loob ng isang motel sa No­valiches, Quezon City ka­hapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na nawalan na ng kanyang pag­kalalaki na si Marvic Man­quera, 21 , sales clerk, at resi­dente ng Block 15 Lot 2 Phase 3, Brgy. Dagat-Dagatan, Ca­loocan City.

Hawak naman ngayon ng Quezon City Police District-Station 4 (Novaliches) ang suspek na nakilalang si Jose Feliciano Valderama, 35, area manager ng isang kompanya at residente ng Sitio Bigtal, Fern St., Brgy. Fairview, ng na­turang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa loob ng isang kuwarto sa isang hotel sa Novaliches, ng naturang lungsod.

Nabatid na nag-check-in ang dalawa sa Room 203 ng   hotel at nag-inuman bago na­tulog ang biktima. Habang nahi­himbing ito, dito kumuha ng kutsilyo ang suspek at saka pinutol ang pagkalalaki ni Manquera na naghihiyaw naman sa sakit.

Nagtangka pa umanong magpatiwakal si Valderama gamit rin ang kutsilyong pi­namputol nito ng ari ngunit na­awat pa ito ni Manquera at nakahingi ng tulong sa mga roomboy.

Isinugod sa FEU Hospital si Manquera kung saan gina­gawan ng paraan ng mga manggagamot na maisalba pa at kung maibabalik pa sa normal ang pagkalalaki nito.

Lumalabas sa imbestigas­yon na matinding selos umano ang tumama sa sus­pek dahil sa pagdududa nito na may iba pang pinopor­ma­han si Man­quera. Hindi naman ma­linaw kung lalaki rin o babae ang pinagseselosan nito. Naka­detine ngayon sa istas­yon ng pulisya ang sus­pek habang inihahanda ang pagsasampa ng ka­ukulang kaso laban dito.

  • Follow Us: