PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kelot putol ang daliri nang kagatin ng bestfriend

MANILA, Philippines - Putol ang kanang palasingsingan ng isang 45-anyos na lalaki matapos na lapain ng kanyang matalik na kaibigan nang mauwi sa pagtatalo ang pagpapayabangan nila sa isa’t-isa habang nag-iinuman sa lungsod Quezon kahapon. Nakilala ang naputulan ng daliri na si Elmer Corpuz, residente ng Block 25, Viologo St., Brgy. Payatas sa lungsod.

Inaresto naman ng pulisya ang nanlapa na si William Pungtod, 36, sinasabing matalik na kaibigan ni Corpuz.

Nabatid na masaya pang nag-iinuman ang mag­kaibigan ganap na alas-2 ng madaling-araw at nang kapwa malasing ay doon na nagsimulang magtalo hanggang sa kagatin ng suspect ang daliri ng biktima kung saan naputol ito.

“May galit sa ’kin ’yang tao na ’yan, ewan ko kung bakit niya ako kinagat, buti na lang nakuha ko ’yung kaputol, ang talim ng ngipin eh,” sabi ni Corpuz.

Ayon kay Pungtod, niyayabangan umano siya ni Corpuz­ at pinagbabantaan ang kanyang buhay kung kaya nagalit siya rito.

“Nilalapagan niya ’ko ng pitaka, tapos sinasabihan niya ko na kaya kong bayaran ang buhay mo, kaya nagalit ako, galit talaga ako,” sabi pa ni Pungtod na nauwi sa pangangagat nito.

  • Follow Us: