PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Vendor tiklo sa abortion pills

Manila, Philippines - Arestado ang isang 41-anyos na vendor matapos maaresto ng pulisya sa aktong nagbebenta ng abortion pills sa isang bahagi ng Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. James Afall, hepe ng Manila Police District-Station 3, ang suspect na si Erlinda Nicdao ng #740 Gonzalo Puyat Street, Quiapo, Manila.

Nadakma ang suspect matapos magbigay ng impormasyon sa pulisya ang isang concerned citizen laban sa suspect.

Nasamsam sa suspect ang dalawang pakete ng Cytotec pills. Pormal na kinasuhan ang suspect habang nakakulong.

  • Follow Us: