^

Metro

Batas trapiko, ituturo sa mga estudyante

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Target ng Land Transportation Office (LTO) ang mga paaralan sa high school sa  bansa partikular sa Metro­ Manila­ para mabigyang kaalaman at sanayin sa mga batas trapiko.

Ito ay makaraang pormal na ilunsad kahapon ng LTO sa pangunguna ni LTO Chief Virginia Torres ang “Kick-Off Yes!  Move Campus Caravan” na pinasimulan sa  Ramon Magsaysay High School sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Torres layu­nin ng hakbang ng LTO na maimulat ang mga kabataang mag-aaral sa mga kaganapan sa lansangan kung saan marami na ang nasasawi dahil sa hindi pagsunod sa batas trapiko gaya ng hindi paggamit ng tamang tawiran, foot bridges at iba pa.

Sinabi ni Torres na kung bata pa lamang ay maimumulat na ang kaisipan sa mga malagim na aksidente sa lan­sangan dahil sa hindi pagsunod sa batas trapiko, tataglayin nila ito sa paglaki.

Binigyang diin ni Torres na mahalagang maisama sa pagtuturo sa mga mag-aaral ang tungkol sa batas trapiko dahil bukod sa dagdag kaalaman, ito rin ay magagamit nila sa pagkuha ng drivers license at hindi na sila mahihirapan sa mga katanungan sa mga eksaminasyon.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

CHIEF VIRGINIA TORRES

CUBAO

KICK-OFF YES

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MOVE CAMPUS CARAVAN

QUEZON CITY

RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with