PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mekaniko niratrat, patay

MANILA, Philippines - Butas ang bungo at dibdib ng isang chief mechanic ma­karaang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Lorenzo Paguirigan, 48, chief mechanic sa Wilcor Auto Supply at residente ng Mindanao Avenue, Brgy. Sto. Niño sa lungsod. Agad na­mang tumakas ang suspect makaraan ang pagpatay sa biktima na nga­yon ay tinutugis na ng awto­ridad.

Ayon kay PO2 Hermo­genes Capili ng Criminal In­ves­tigation and Detection Unit ng QCPD, tinitingnan nila kung may kaugnayan sa tra­baho ang ugat ng pamamaril sa biktima o kung may naging kaalitan ito na siyang ugat para siya patayin.

Nabatid na nilapitan ng isa sa riding-in-tandem ang bik­tima at walang sabi-sabing pi­na­­putukan ito nang malapitan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa naturang insidente.

  • Follow Us: