^

Metro

CCTV cameras ikinabit sa Marikina

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Habang papalapit ang anibersaryo ng trahedya dulot ng bagyong Ondoy, nagkabit ang pamahalaang lungsod ng Marikina City ng mga “closed circuit television (CCTV) cameras” sa mga pangunahing tulay upang ma-monitor ang tubig-baha.            

Sinabi ni Mayor Del de Guzman na magsi­silbing “early warning device” ang mga CCTV na magbibigay ng mga impormasyon sa lebel ng tubig kapag umuulan na siyang pag­ba­base­ han sa aksyon ng pamahalaang lokal sa pagli­likas sa mga maaapektuhang mga residente.           

Idinagdag pa nito na “solar powered” ang naturang mga CCTV camera na inisyal na ikinabit sa mga tulay sa Tumana, Sto. Niño at Marcos. Bukod dito, may “night vision capa­bility” at alarm system kapag umabot na ang lebel ng tubig sa 14 na talampakan.           

Kapag tumunog umano ang alarma ay kailangan nang lumikas ang mga residente na ma­lapit sa naturang tulay.

Sinabi nito na natuto na sila sa leksyon ng bagyong Ondoy kung saan manu-mano dati ang pag-monitor nila sa tubig sa ilog. 

Sa pamamagitan ng CCTV cameras, agad na makakarating ang impormasyon sa city hall kung saan makakabuo agad ng aksyon ang lokal na disaster units nila.

vuukle comment

BUKOD

GUZMAN

HABANG

MARIKINA CITY

MAYOR DEL

ONDOY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with