PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dalaga nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 20-anyos na dalaga ang nagpakamatay sa pama­magitan nang pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa lungsod Quezon, kahapon.

Ayon kay PO3 Loreto Tigno, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, ang biktima ay nakilalang si Rosemarie Co-sy, residente sa Unit B-1, Northpoint Subdivision, Villas Pugad Lawin sa lungsod.

Sinasabing natagpuan na lamang ang biktima na nakabiting walang buhay ng kanyang pinsang si Rosemarie sa gabay ng hagdanan gamit ang panaling straw.

Ayon kay Tigno, tinitignan nila ang problema ng biktima sa kanyang karamdaman at problema sa pananalapi ang nagtulak sa biktima para gawin ang pagpapakamatay.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

  • Follow Us: