PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

NCRPO, sangkot sa partisan politics

MANILA, Philippines - Inakusahan ng isang opisyal ng Manila City Hall na sangkot sa partisan politics ang tang­ gapan ng National Capital Regional Office (NCRPO) sa pamamagitan ng paggamit ng mga personnel ng Philippine National Police (PNP).

Ang pahayag ay ginawa ni Ric de Guzman, chief of staff ni Manila Mayor Alfredo Lim, matapos sugurin ng may 10 pulis mula sa NCRPO, dakong 7:45 ng umaga kahapon ang Museo ng Maynila na nasa Army Navy Club Complex sa Ermita, Maynila.

Nabatid na ang mga naturang pulis ay mula sa Regional Public Safety Batallion na dating Regional Mobile Group na pinamumunuan ng isang Insp.Rex Pascua na umano’y hiniling ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ng natalong Mayoralty candidate na si Lito Atienza para magbantay sa mga ballot boxes na nakatago sa museum na target ng protesta ng huli.

Binabantayan umano ng mga guwardiya ng Manila City Hall ang nabanggit na balota, kasama na ang mga supporters ni Atienza.

Magugunita na nanalo si Lim ng landslide sa nakalipas na eleksiyon kung saan tinam­bakan ng may 217,000 boto.

Nalaman na nagtungo sa naturang lugar ang mga pulis, nang wala man lamang isinagawang koordinasyon mula sa MPD Headquarters matapos ihayag ni MPD Director Gen. Rodolfo Magtibay na wala siyang natanggap na communication sa pagpunta ng mga nabanggit na pulis sa museo ng Maynila.

Gayunman, sa pakikipag-usap ni Magtibay kay Pascua kung saan sinabi nito na tatlong personnel lamang mula sa NCRPO ang ma­aaring magbantay para tumulong sa pagmi­mintina ng kapayapaan sa lugar.

Kinumpirma naman ng dalawang lider sa kampo ni Atienza na nakilalang sina Irwin Feliciano at Erwin Dizon, na si Macalintal ang humiling sa NCRPO nang augmentation force matapos mabatid na may mga supporter si Atienza na nagsasagawa ng vigil sa museum araw-araw.

  • Follow Us: