PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Taxi driver todas sa nakagitgitang motorista

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang taxi driver makaraang barilin ng isang hindi natukoy na motorista na ayon sa pu­lisya ay nag-ugat sa gitgitan sa trapiko sa lungsod Quezon.

Si Edgar Salvador, 56, may-asawa ng #650 Cordero Compound, Lambakin, Ma­rilao, Bulacan ay naabutan na lamang naliligo sa sarili nitong dugo habang nakasalampak sa driver’s seat ng pinapa­sada nitong MVBS taxi (TXL-156) na nakaparada sa harap ng 604 Quezon Avenue, Brgy. Tatalon ganap na alas-6:50 ng gabi.

Patuloy naman ang imbes­tigasyon ng awtoridad upang madakip ang suspect na ma­tapos ang krimen ay mabilis na tumakas.

Nauna rito, minamaneho ng biktima ang kanyang sa­sakyan galing Ermita, Manila patungong Commonwealth Avenue sa Quezon City nang pagsapit sa nasabing lugar ay bigla na lang itong paputukan ng suspect.

Ayon kay Chief Insp. Ben­jamin Elenzano Jr., hepe ng homicide section ng Quezon City Police District (QCPD), tinitingnan nila ang kaso ng girian sa trapiko dahil may na­kita umano silang bakas ng gasgas sa taxi ng biktima na indikasyon na may nakasa­gian itong isa pang sasakyan na siyang posibleng ugat ng kanilang pagtatalo at human­tong sa pamamaril.

Isinantabi ng pulisya ang kaso ng robbery dahil ang pitaka, pera at alahas ng biktima ay intact at nabawi mula rito.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang balikat si Salvador na siyang ugat ng agaran nitong pagkamatay.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing in­sidente.

  • Follow Us: