PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Negosyante itinumba

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasawi nang pa­traydor na barilin ng isang hindi nakikilalang salarin habang nagla­lakad siya sa Commonwealth Avenue, Quezon City kamaka­lawa.

Kinilala ang nasawi na si George Gonza­les, 44, may-asawa ng # 25 Bicol Leyte St., Baran­gay Commonwealth.

Sa ulat ni SPO2 Mario Turiano, may-hawak ng kaso, nang­yari ang insidente sa panulukan ng Kaun­laran St. at Commonwealth Avenue ban­dang alas-9:00 ng gabi.

Naglalakad ang bik­tima sa lugar matapos na mangulekta ng kan­yang pautang sa mga kliyente nang big­lang sumulpot sa likuran nito ang salarin at barilin.

Nang masigurong patay ang biktima ay saka mabilis na tuma­kas ang suspek sa hindi mabatid na direk­syon. (Ricky Tulipat)

  • Follow Us: