PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

6 hijackers tiklo: P.5-M kontrabando nasamsam

Bumagsak sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang anim na pinaghihinala­ang miyembro ng hijacking syndicates ­ng pagkakasamsam sa P.5 milyong kontra­bando sa isinagawang operasyon sa Quezon City.

Sa ginanap na press conference ka­hapon sa Camp Crame, iprinisinta ni PNP- CIDG Director P/Chief Supt. Raul Casta­ñeda sa mediamen ang mga nasakoteng suspect na sina Fortunato Sotto, scrap agent; Dolfredo Secondes, caretaker ng ware­­house at Richard Ociel, obrero sa konstruksyon noong Abril 6.

Sa follow-up operations kamakalawa  ay sumunod namang nasakote ang tatlo pang suspect na sina Jose Lim, negos­yan­teng Intsik; Philbert Venturina at Edwin Poquiz.  Sinabi ni Castañeda na nitong Abril 5 ay inireport ni Danilo Cruz, driver ng  20- foot container van ang pagkaka-hijack sa kanilang kargamentong mga scrap metal na aabot sa P500,000 ang halaga.

Naganap umano ang hijacking sa ka­habaan ng  Araneta Avenue, Quezon City matapos na harangin sila ng anim na ar­ma­dong kalalakihan na sakay ng kulay pulang Nissan Zafari at kulay pulang kotseng Nissan ang minamaneho niyang container van sa Araneta Avenue, Quezon City dakong alas-3 ng hapon noong naka­lipas na Sabado.

Ang anim ay positibong kinilala ng driver na si de la Cruz sa kom­pron­tasyon sa PNP-CIDG sa Camp Crame kahapon.

Ipinagharap na ng kasong highway robbery sa sala ni Quezon City Prose­cutor’s Office at  Assistant City Prose­cutor’s Rodrigo del Rosario ang mga na­sakoteng suspect. (Joy Cantos)

  • Follow Us: