PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Helper grinipuhan

MANILA, Philippines -  Isang 34-anyos na helper ang hinoldap  at napatay  ng mga hindi nakikilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital sanhi ng saksak sa katawan ang biktimang si Roland Urbano ng 4031 LRTB Sawata, Maypajo Caloocan City.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Det. Edgardo Ko ng Manila Police District -Homicide Section, dakong alas-2:25 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Padre Rada St. at Juan Luna St. sa Tondo.

Nakita na lamang umano ang biktima na hinahabol ng mga suspek at nang masukol sa naturang lugar ay inundayan ng saksak.

Ayon sa asawa ng biktimang si Mary Jane, nawawala ang cellphone ng biktima kaya hinala ng mga pulis ay hinoldap ito ng mga suspek at nang pumalag ay hinabol at sinaksak. (Gemma Amargo-Garcia)

  • Follow Us: