^

Metro

Binatilyo niratrat, todas

-

MANILA, Philippines - Gumuho ang pangarap ng isang nanay na makakaahon sila sa paghihirap sa pamamagitan ng kanyang binatilyong anak, makaraang pagbabarilin at mapatay ito ng hindi naki­kilalang salarin sa labas ng kanilang bahay sa lungsod Quezon kamaka­lawa. Si Jason Balero, binata, na dapat sana ay magtatapos sa high school sa susunod na taon ay binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa bagang at baba.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente malapit sa bahay ng biktima sa Niñada St., Brgy. Commonwealth sa lungsod ganap na alas-7 ng gabi. Sinabi ni Eva Balero, nanay ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang marinig niya ang sigaw ng mga tao sa labas na nagsasabing “may binaril, may binaril.”

Dahil dito, nagpasya si Eva na tingnan ang nasabing kaguluhan hanggang sa tumambad sa kanya ang duguang katawan ng anak na nakahandusay sa kalsada. Nahihirapan naman ang pulisya na makakuha ng impor­masyon kung ano ang dahilan ng pama­maril dahil ayaw nang magbigay ng komento ang pamilya ukol dito. Maging ang mga kapitbahay ay tikom din ang bibig sa insi­dente sa takot na sila naman ang balikan ng nasabing suspek. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

EVA

EVA BALERO

GUMUHO

NAHIHIRAPAN

QUEZON

RICKY TULIPAT

SI JASON BALERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with