PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mall sinalakay ng 'Alvin Flores gang'

MANILA, PHilippines - Sinalakay ng “Alvin Flores gang” ang adminis­tration office ng Harrison Plaza (HP) sa Malate Maynila, kahapon ng umaga.

Tinatayang 10-15 armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng jumpsuit na may tatak na “Bitag” at helmet na gamit naman ng kapulisan sa rally sa Malate, Maynila kahapon ng madaling- araw ang sumalakay sa naturang establisimento.

Dakong ala-1:20 ng madaling-araw nang pasukin ng mga suspek ang loob ng Harrison Plaza at tangayin ang di mabatid na halaga sa loob ng Velco Marketing Office sa 2nd floor ng HP sa Malate, ilang metro lamang ang distansiya sa MPD-Station 9 (Malate). Gamit umano ng mga suspek ang sasakyan na may plakang (SFN 529), na nagsilbing get-away car matapos matangay ang hindi pa mabatid na halaga ng salapi, closed circuit television (CCTV) monitor sa Security Office ng Kemen Security Agency, hand-held radios, cell­phones at mga service firearm. (Ludy Bermudo)

  • Follow Us: