PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Grade 6 nakuryente, patay

MANILA, Philippines - Isang siyam na taong gu­lang na grade 6 student na si Bricks Lopez ang nakuryente at namatay nang mahawakan niya ang isang nakausling kawad ng kuryente sa isang poste sa panulukan ng Qui­rino Avenue at Roxas Blvd. sa Malate, Manila kamakalawa ng umaga.

Nabatid na nagla­lakad ang biktima at mga ka­ibigan nito pauwi mula sa pali­ligo sa breakwater nang umano’y hawakan niya ang isang kable mula sa poste ng kuryente patungo sa konek­siyon sa lupa.

Dahil sa basang-basa pa ang suot na damit, mabilis na gumapang ang bol­tahe ng kuryente sa katawan ng biktima at nangi­say umano ito. (Ludy Bermudo)

  • Follow Us: