PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Driver inatado sa harap ng bahay

Hindi na binigyan pa pagkakataong mabuhay   ang isang 40-anyos na tricycle driver ng kanyang mortal na kaaway nang matiyempuhan ang una ng huli at ataduhin ito ng saksak, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City. Nakilala ang nasawing biktima na si Ronnie Noque.

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspect na si Eduardo Mesias, 50, ng Jasmine St., Miguelito Homes, Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:50 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Jasmine St., Miguelito Homes.

Nabatid na kasalukuyang naglilinis ang biktima ng kanyang tricycle nang madaanan ito ng suspect na agad na nilapitan at inundayan ng magkakasunod na saksak sa katawan. 

Nabatid pa na bago ang insidente ay unang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nauwi sa pagkakaroon ng matinding alitan sa mga ito at kamakalawa nga ay natiyempuhan ng suspect ang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

  • Follow Us: