PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Cargo plane 'bumagsak' sa NAIA

MANILA, Philippines - Wasak ang propellers ng isang twin-engine beach­craft cargo plane makaraang bumagsak ang gulong nito ilang segundo lamang mata­pos na mag-landing sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon ng umaga.

Sa tinanggap na report ng Manila International Airport Authority (MIAA), dakong alas-10:07 ng umaga nang mag-collapse ang nose wheel ng Baron cargo plane na may Registry number RP-C317 nang mag-touch-down o ma­kapalag sa runway 06 ng paliparan.

Dahil dito, halos ma­walan ng kontrol ang pi­loto na si Capt. Em­ma­nuel Lara subalit hindi nasaktan kasama ang nag-iisang pasahero nito nang mabilis na maka­la­bas sa naturang eroplano.

Ang nasabing ero­plano ay may kargang mga isda na nagmula pa sa Roxas, Pa­lawan na hindi naman nasira dahil sa nakapaloob sa oxygen-filled plastic containers bagaman mala­kas na na­alog sa matin­ding impak. (Ellen Fernando)

  • Follow Us: