PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

50 sentimos tapyas sa petrolyo, ikinasa

Pinangunahan ng tinaguriang “Big 3” ang unang rollback sa taong ito matapos na ibaba nila ng 50 sentimos kada litro ang kanilang produktong petrolyo.

Dakong alas-12:01 ng madaling-araw kahapon ng ipatupad ng Shell, Petron at Chevron ang 50 sentimos na bawas presyo sa kanilang diesel, kerosene at gasolina.

Kaagad naman itong sinundan ng in­de­pendent oil player na Eastern Petro­leum ng gayundin halaga dakong alas-6 ng umaga subalit ginulat ng PTT Philip­pines ang motorista matapos na magpa­hayag sila ng P1 kada litrong rollback sa presyo ng kanilang diesel at gasoline habang ipinatas naman sa 50 sentimos kada litro ang kanilang kerosene.

Ayon sa mga tagapagsalita ng kom­panya ng langis, ang panibagong rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan ng mga nakara­ang linggo.

Dagdag naman ni Pilipinas Shell Spokesperson Bobby Kanapi na posib­leng masusundan pa ng panibagong roll­back ang kanilang kompanya sa susunod na linggo depende kung magkano sa iga­galaw sa world market.

Inaasahan naman na susunod pa ang iba pang kompanya ng langis sa ginawang rollback ng mga naunang kompanya.

Samantala dismayado naman at umalma na kahapon ang pamunuan ng LPG-Marketers Association (LPGMA) sa umano’y patuloy na paghihigpit sa supply ng liquefied petroleum gas (LPG) mula sa tatlong malalaking kompanya ng langis.

Sinabi kahapon ni LPGMA President Arnel Ty, binola lamang sila ng mga mala­laking kompanya ng langis sa ipinangako ng mga ito na pagbabalik sa normal ng supply ng LPG noong Enero 10 ngunit hang­gang ngayon ay kulang pa rin umano ang supply nito.

Duda rin umano si Ty na hinihigpitan ng mga malalaking kompanya ng langis ang supply ng LPG upang hindi mata­maan ng price rollback at saka na lamang ilalabas kung tataas na ang presyo ng nasabing cooking gas.

Nabatid na sa Enero 17 at 25 naman ayon pa kay Ty ang panibagong pangako ng Petron at Shell na darating ang ka­nilang LPG supplies.

Sa kabila nito, kinumpirma naman ni Ty na walang magaganap na pagtaas sa presyo ng LPG na aniya’y pumapalo pa rin ang presyo sa 420 hanggang 470 sa bawat-11 kilogram na tangke nito. (Edwin Balasa at Rose Tamayo-Tesoro)

  • Follow Us: