PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Holdaper ng pulis nadakma

Arestado ang isang 32-anyos na umano’y miyembro ng Bahala na Gang matapos hol­da­pin ang isang pulis-May­nila na napagkamalang Bom­bay, sa Tondo, Maynila, kama­kalwa ng gabi.

Nagmamaka-awa at naka­luhod pang humihingi ng pasen­siya ang suspect na si Arnold Insigne ng Gate 20 Parola Com­pound sa kan­yang biniktimang si PO1 Jose Jesus Martinez, na­ka­­talaga sa Manila Police Dis­trict-District Police Intel­ligence and Operations Unit nang bitbitin ito sa MPD head­quarters.

Sa ulat, nagsasagawa ng surveillance kaugnay sa anti-criminality campaign si Mar­tinez, kasama si SPO2 Jerry Garcia at habang magkahi­walay na naglalakad sa Road 10, malapit sa panulukan ng Zaragosa St., sa North Har­bor, Tondo ay biglang sinalu­bong ng suspect si Martirez at hinablot ang suot nitong kwin­tas at ma­bilis na tumakas.

Hinabol ito ng mga pulis at nang abutan ay nagtangka pang lumaban subalit nagulat ito nang makita ang naagaw na kwintas na silver na ang palawit ay identification card (ID) ni Martirez.

Laking pagsisisi ng sus­pect at humingi ng paumanhin dahil napagkamalan lamang umano niyang Bombay ang nasabing pulis. (Ludy Bermudo)

  • Follow Us: