PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lalaki napatay dahil sa video karera

Buhay ang naging kapalit ng sugal na video karera makaraang pagsasaksakin ang isang lalaki nang umawat umano ito sa away ng kanyang pamangkin na nakikipagtalo dahil sa taya sa naturang sugal, kama­kalawa sa Quezon City. Nakilala ang nasawi na si Abner Marcaida, 37, ng San Antonio Subdivision, Brgy. Nag­kaisang Nayon ng nabanggit na lungsod.

Ginagamot rin sa naturang ospital ang suspek na si Louie Agarin, 22, residente rin ng naturang lugar, ma­tapos na magtamo rin ng saksak sa katawan dahil sa kanilang duwelo sa patalim.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima. Nabatid na unang nakikipagtalo ang pamangkin ng biktima na nakilalang si Joel kay Agarin ukol sa tayang pera nito sa video karera.

Nabatid na nakialam o umawat umano si Marcaida sanhi upang ito ang pag-initan ng suspek. Dito na kapwa naglabas ng patalim ang dalawa at nagduwelo kung saan napuruhan si Marcaida. (Danilo Garcia)

  • Follow Us: