PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

51-anyos tinodas ng kumpare

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kan­yang kumpare ang isang 51-anyos na lalaki habang natutulog ang huli kahapon ng madaling araw sa Pasig City.

Nadamay din sa naturang pamamaril ang binatilyong anak ng biktima na nasugatan sa insidente.

Namatay noon din sanhi ng tinamong ma­raming tama ng bala sa katawan ang biktimang si Reynaldo Ignacio, habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang anak nitong si Raymond, 17, residente ng #144 Evangelista St. Brgy. Santolan ng nasabing lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad   ang suspek na si Philip Villarosa, nasa hustong gulang, kumpare at matalik na kaibigan ng matandang Ignacio.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas- 5:30 ng madaling-araw ng magtungo ang suspek sa bahay ng mga Ignacio at hanapin ang na­sawing biktima. Nabatid na dahil sa kilala na ng mga Ignacio ang suspek ay pinapasok ito ni Raymond sa kanilang bahay subalit laking gimbal nito ng magtuluy-tuloy ito sa kuwarto ng kanyang ama na natutulog pa sabay labas ng kalibre .38 baril at pinagbabaril ito.

Nakipag-agawan naman sa baril ang batang Ignacio sa suspek subalit nanaig ang lakas ng huli at pinagbabaril din ito bago tuluyang tumakas.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ng nasabing pamamaslang habang isang manhunt operation ang isinasagawa   para sa agarang pagdakip sa suspek. (Edwin Balasa)

  • Follow Us: