PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PNR sinisingil na sa utang na P187-M

Pinasisingil na ni Caloocan City Mayor Enrico Echiverri ang tinatayang P187 milyong utang na real property tax ng Philippine National Railways (PNR) sa lungsod.


Ayon kay Echiverri, inatasan na niya ang kanyang city treasurer at assessor upang magbigay ng report sa lalong madaling panahon at malaman kung kailan pa nagsimulang hindi magbayad ang PNR.


Sinabi ni Echiverri na ang kanilang paniningil ay isang aksiyon upang madagdagan ang pondo ng lungsod upang maisakatuparan ang mga proyekto bunsod na rin ng napipintong pagbawas ng Internal Revenue Allotment ng mga local government units.


Nais din ni Echiverri na malaman kung bakit umabot sa nabanggit na halaga ang pagkaka-utang ng PNR. (Ulat ni Doris Franche)

  • Follow Us: