PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bus vs. jeep: 6 sugatan

Anim katao ang nasa malubhang kalagayan matapos na salpukin ng isang pampasaherong bus ang isang passenger jeep kamakalawa ng gabi sa South Luzon Expressway sa Muntinlupa City.


Kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa sanhi ng sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na sina Gemma Aquino, Laila Lelis, Daniel Silvestre, Jayson Anciano, Jayjay Villaano at Allan Cortez.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas 6:15 ng gabi sa kahabaan ng SLEX sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.


Lulan ang mga biktima ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Rolando Villaluna nang bigla itong mawalan ng preno at salpukin ng LTCI Transport Bus na minamaneho naman ni Roland Chavez na nasa kanilang likuran.


Iniimbestigahan pa rin ng pulisya kung sino ang dapat na kasuhan sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

  • Follow Us: