PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Peddler ng pekeng diamante, timbog

Bumagsak sa mga tauhan ng pulisya ang isang 58-anyos na ginang na isang big-time peddler ng pekeng diamante sa isinagawang buy-bust entrapment operation, kamakalawa ng umaga sa Quezon City.


Kinilala ang nadakip na si Marine Sales, alyas Aling Maring, tubong Balibago, Angeles City.


Nabatid na ang suspect ay naaresto dakong alas-10 ng umaga sa loob ng McDonald’s sa Tomas Morato, QC, matapos na ireklamo ng kanyang biktima na nagpatago sa pangalang Baby. (Ulat ni Danilo Garcia)

  • Follow Us: