^

PSN Palaro

Dating Gawi

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

 Business as usual si Manny Pacquiao.

Kahapon ng umaga, nag-jogging sa loob ng Forbes Park ang ating idol at sa hapon naman ay nag-ensayo sa kanyang favorite gym sa may Mall of Asia.

Ilang oras din ang binuno ni Pacquiao sa ikalawang araw ng training niya para sa July 2 na laban kay Jeff Horn sa Australia.

Hindi pa rito natapos ang araw ni Pacquiao.

Pagkatapos ng ensayo sa gym, kumain lang at nakipag-kwentuhan ng konti si Pacquiao, nagsuot ng Barong Tagalog at pumunta sa senado para sa gabing sesyon.

Sa ating kwentuhan, natanong natin kung sapat lang ang panahon para sa kanyang paghahanda.

“Sakto lang,” ang pangiting sagot ni Pacquiao.

Halos walong linggo pa naman ang natitira bago ang laban at inaasahan daw niyang dumating si Freddie Roach sa bansa bago matapos ang buwan.

May break pa pala ang senado, sabi ni Pacquiao. Kaya mula June 2 ay libre na ulit siya sa kanyang tra­baho at makakatutok ng husto sa training.

Masaya si Pacquiao sa training niya kahapon at wa­lang tigil ang pakikipag-biruan sa sinumang mapalapit sa kanya.

Habang nagpapahinga, pumaligid kay Pacquiao ang kanyang team members at sa bawat joke niya ay tawanan lahat.

Napunta sa kanyang dating TV show ang kwentuhan at sinabi niya na may talent fee siya na P500,000 sa kada labas niya sa show.

Very light pa ang ensayo ni Pacquiao dahil malayo pa naman ang laban. Kumukuha pa lang siya ng tamang resistensiya at timing bago ang heavy training.

Sakto lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with