^

Police Metro

Bohol encounter: 9 patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Patay ang siyam na katao kabilang ang 5 Abu Sayyaf Group, 3 sundalo, 1 pulis nang magsagupa ang mga ito sa tabing ilog ng Sitio Ilaya, Brgy. Napo, Inabanga, Bohol kahapon ng umaga.

Magugunita na nagpalabas ng travel advisory ang US Embassy sa mga kanilang mamamayan na iwasan muna ang pagbiyahe sa Central Visayas  partikular na sa Cebu at Bohol bunga umano ng banta ng te­rorismo.

Gayundin ang nalalapit na  ikalawang bahagi ng ASEAN Minis­terial Meeting Summit na itinakda sa Panglao, Bohol sa darating na Abril 19-22.

Sinabi ni  AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, bandang alas-7:00 ng umaga nang makasagupa ng pinagsanib na elemento  ng Army’s 47th Infantry Battalion (IB)  at ng Bohol Police ang tinatayang 10-11 mga armadong bandido.

Nabatid na noong Lunes ng gabi ay namonitor ng intelligence group ng AFP sa Central Visayas ang presensya ng mga bandido na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas na dumaong lulan ng tatlong speedboats sa may ilog sa nasabing lugar.

 Ang mga bandido ay pinamumunuan ng Sub-Commander na si Muammar Askali alyas Commander Abu Rami, na nakabase sa Sulu at nanggaling pa umano sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Sa nasabing engkuwentro ay agad na nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng tatlong sundalo, isang pulis at limang bangkay ng bandido na nasa lugar.

Samantalang dalawa namang sundalo at isang pulis ang nasugatan sa nasabing bakbakan na kung saan ay narekober ang tatlong M16 rifles,M14 rifles at isang Improvised Explosive Device (IED) nakalagay sa isang sako.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa na rin ng air strike ang Philippine Air Force at ground  strike operations ang Philippine Navy, Philippine Army at ang pulisya sa ilang target na kabahayan sa tabing ilog ng nasabing lugar.   

vuukle comment

ABU SAYYAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with