Texters umeskapo sa Road Warriors
MANILA, Philippines - Tiyak na hindi na naman makakatulog si NLEX head coach Yeng Guiao.
Ito ay matapos pakawalan ng Road Warriors ang naitayong double-digit lead sa third period na sinamantala ng TNT Katropang Texters para itakas ang 126-121 overtime win sa 2017 PBA Commissioner's Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nakabawi ang TNT Katropa buhat sa 29-point deficit para kunin ang kanilang ikatlong dikit na panalo sa apat na laro at ipalasap sa NLEX ang pang-limang sunod nitong kamalasan.
Naglista si point guard Jayson Castro ng 32 points at 11 assists, habang nagdagdag sina import Donte Greene, Ranidel De Ocampo at Roger Pogoy ng 26, 22 at 20 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Tropang Texters.
Pinamunuan naman ni balik-import Wayne Chism ang Road Warriors sa kanyang 35 points at 21 rebounds.
“It wasn't a nice win,” dismayadong wika ni mentor Nash Racela, nakahugot din ng 16 markers kay Troy Rosario. “We played without a mentality to play defense early.”
Ang tinutukoy ni Racela ay ang pagkakatambak sa kanila ng NLEX na nagposte ng 29-point lead, 89-60 sa 7:16 minuto ng third quarter bago nakatabla ang TNT Katropa sa 113-113 mula sa three-point shot ni De Ocampo sa huling 26 segundo ng fourth period patungo sa overtime period.
Sa extra period ay kinuha ng Tropang Texters ang 120-113 kalamangan sa huling 3:03 minuto para kumpletuhin ang kanilang pagresbak sa Road Warriors.
TNT Katropa 126 - Castro 32, Greene 26, De Ocampo 22, Pogoy 20, Rosario 16, Williams 6, Fonacier 2, Carey 2, Rosales 0, Reyes 0, Tamsi 0.
NLEX 121 - Chism 35, Alas 19, Lastimosa 13, Tiongson 10, Camson 7, Khobuntin 7, Al-Hussaini 7, Anthony 6, Taulava 4, Rios 3, Guinto 3, J. Villanueva 2, Soyud 2, Baracael 2, Lanete 1.
Quarterscores: 22-42; 53-76; 83-101; 113-113; 126-121 (OT).
- Latest