^

Bansa

Tumangay ng trike salpok sa poste 1 kalaboso, 2 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines -- Mistulang na-‘karma’ ang tatlong lalaki, dalawa dito ay menor-de-edad nang mabangga ang sinasakyan nilang kinarnap na tricycle sa Maharlika Highway Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City kamakalawa ng madaling araw.? 

Nakapiit ngayon ang lider ng grupo na si Mohle Dizon,19, habang ginagamot naman sa MMG Hospital dahil sa mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan sina alyas ‘Wayne’ 17 at ‘Harry’, 16, mga residente rin ng nabanggit na barangay.?

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Art Brual Jr., kinarnap ng mga suspek ang tricycle ni Ruel Villavicencio, 36, habang ito ay nakaparada sa harap ng kanyang bahay dakong ala-una ng madaling araw.?

Habang mabilis na umaandar ang tricycle sa highway ay nawalan ng kontrol sa manibela ang nagmamanehong si Dizon at tuluyang bumangga sa isang poste sa gilid ng kalye na ikinasugat ng mga ito.

vuukle comment

MOHLE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with