^

Pang Movies

Ryan at Juday may highschool na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Maraming showbiz parents na proud na dini-display sa kanilang Instagram accounts ang graduation picture ng kani-kanilang mga anak.

Isa na riyan ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Graduate na kasi ng elementary ang anak nilang si Yohan. Sa pasukan eh may high school na ang mag-asawa.

Of course, alam ng karamihan sa showbiz ang status ng bagets. Eh maaga naman itong nasabi ni Juday kay Yohan. Pero ang mapa­laki ng maayos ang panganay nila eh isa na ring malaking achievement para sa kanilang mag-asawa, huh!

Jake nagsampa ng petisyon sa joint custody ng anak kay Andi

Naku, aabangan ang reaksyon ni Jaclyn Jose sa lumabas na balita sa isang blog na nag-file si Jake Ejercito ng petisyon sa korte para sa joint custody ng anak nila ni Andi Eigemann na si Ellie.

Mula kasi nang akuin ni Jake na siya ang ama ni Ellie, may mga pasaring pa rin si Jaclyn habang quiet lang si Andi. Pero nakukuha naman niya ang bata.

In fact, nu’ng 27th birthday ni Jake, kasama si Ellie sa bumati sa ama, huh! Inilabas niya ang photo sa Instagram account niya kung saan isa ang anak sa bumati.

Eh alam naman natin kung gaano kaprangka si Jaclyn pagdating sa nararamdaman niya kay Jake, huh!

Young actor nalaspag na sa kahiligan sa babae

Dismayado ang ilang fans nang makita nila in person ang isang promising young actor. Habang nagkakaedad kasi eh, nawawala ang kaguwapuhan niya.

Komento ng isang fan, “Humahaba ang hugis ng kanyang mukha. Nawala na rin ang pagiging inosente niya! Hindi na siya guwapo!”

Produkto ng isang talent search ang young actor. Pero hindi pa man nagtatagal sa show eh, umiral na ang kalan­dian niya sa babae kahit menor de edad pa lang siya.

Mas mabagsik nga lang ang komento ng isa pang fan. “Ilang taon na lang eh laspag na ang hitsura niyan. Mas inuuna kasi ang babae kesa sa career niya, huh!”

 

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with