^

Metro

Kelot binalewala ang ‘Tokhang’, niratrat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kritikal ang buhay ng isang lalaki na una nang sumuko sa pamahalaan sa ilalim ng ‘‘Oplan Tokhang’’ ngunit hindi pa rin umano tumigil sa pagkakasangkot sa iligal na droga makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Ian Kevin Magkalas, 26, ng 1C Karingalan Street, Brgy. Muzon, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, abala ang biktima sa pagkukumpuni sa kanyang motorsiklo dakong alas-4:45 ng hapon sa tapat ng kanyang bahay nang lumapit ang isa sa mga salarin at sunud-sunod siyang paputukan ng baril.  Nagsilbi namang look-out ang ikalawang salarin na siyang driver ng isang Sym motorcycle na ginamit nila sa pagtakas.

Mabilis namang nasaklolohan ng mga kapitbahay ang biktima at naisugod sa Tondo Medical Center kung saan inoobserbahan ang kanyang kalagayan.  Narekober sa lugar ng krimen ang apat na cartridge at isang deformed na bala buhat sa isang kalibre .45 na baril.

 Nabatid na dati nang sumuko sa kanilang bara­ngay ang biktima sa unang saltada ng ‘‘Tokhang’’ at pansamantalang huminto pero muling nagbalik sa kanyang operasyon sa iligal na droga, ayon sa pulisya.

vuukle comment

OPLAN TOKHANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with