^

Probinsiya

Lider ng KRF gang, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na PNP-Anti–Kidnapping Group at Naval Intelligence Group ang 33-anyos na most wanted na lider ng notoryus na kidnap-for-ransom gang sa isinagawang operasyon sa Barangay Centro sa Mandaue City, Cebu noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Glenn Dumlao, director ng PNP-AKG ang suspek na si Mansor Manupac Mantawil.

Bandang alas-7 ng gabi nang masakote si Mantawil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong kidnap-for-ransom at serious illegal detention na walang inirekomendang piyansa.

Gayundin ang kasong carnapping na may P120,000 piyansa at dalawang counts ng robbery with intimidation na may tig-P40,000 piyansa.

Si Mantawil ay lider ng Mantawil KFR gang na nag-o-operate sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, Lanao del Sur at sa Lanao del Norte na target ang mga mayayamang negosyante.

Ang suspek ay tubong Labangan, Zamboanga del Sur at kasalukuyang nanunuluyan sa Sitio Mahayhay Soong, Brgy. Mactan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

vuukle comment

PNP-ANTI–KIDNAPPING GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with