^

Probinsiya

Mister inutas sa sayawan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang 42-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki sa sayawan sa Sitio Pangyawan, Barangay Taysan sa Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi. Tatlong tama sa ulo ang tumapos sa buhay ni Maximo Talde ng Barangay Centro Taysan sa nabanggit na lungsod. Base sa police report na nakarating sa Camp Simen Ola, dakong alas-10: 25 ng gabi habang nasa gitna ng sayawan ang biktima nang lapitan at kausapin ng gunmen. Gayunpaman, ilang minuto ang nakalipas matapos ang pag-uusap ay pinagbabaril ang biktima. Agad na tumakas ang gunmen kung saan nakihalubilo sa mga nagsasayaw na nagpulasan. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal .45 pistol at cal.9mm pistol.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with